As I have written in my FB wall status, January 2011 has been freakishly hell for me. So many issues to contend with both at work and personal.
As this month's coming to a close, and today, January 29, 2011 being my 10th year anniversary as a GSIS employee, this entry's for those people with whom I have shared those 10 years: (listed mostly in order of appearance to sa buhay ko ha?)
- Celia M. Megia - my 1st ever Division Chief. Sa kanya ko natutuhan yung pag may trabaho, dapat tapusin, kahit walang uwian! Basta, tapusin ang trabaho. Matarantahin sya nuon bilang DC, pero as a person, napakabait. Bossing at hepe ang madalas na tawag namin sa kanya. Kahit nman ngayon na pareho na kameng DC, hepe pa din ang madalas kong tawag sa kanya.
- Lyke Jesila Cabrias - my 1st ever section chief sa GSIS. Branch Offices ang hawak namin nuon. Sa kanya ako natuto panu makipag-usap sa mga Branch Heads; ang plantilla; ang Employee Data Cards. Kung panu maging meticulous sa trabaho. Matyaga syang mag-review ng mga gawa ko nuon.
- Baby Angala - my 2nd section chief. Nung naging load ko ang home office, sya ang naging section chief ko. Mas matagal ko syang naging hepe. Magaan na ka-trabaho. Masipag. Basta, sya trabaho lang. Tapos pag mga 430pm na, makikipag kuentuhan na, maghahanap ng machichicha. Sa kanya ko natutunan yung work attitude na pag may problema na nag-crop up sa work (kasi may na-overlook, etc) wag nang hanapin pa kung sinu ang dapat sisihin, hanap na lang solusyon. Sa kanya ko natutunan na hanggat maari din, sa level ko pa lang o level nya palang, nagagawan na ng paraan, pag di talaga kaya, saka nya ine-elevate kay Mam Cely.
- Agnes Santos - eto ang isang matibay talaga. Pagkain lang katapat nito, solve na! Kasa-kasama ko to sa OS, sa paglalakad mula GSIS gang Manila Film Center pag naiwan na kame ng last shuttle. Di biro yun ha, sobrang dilim kaya! Sya din ang madalas kong classmate nuon sa mga FX. Sa Sampaloc pa kasi ako umuuwi nuon, tpos sya Fairview. Kaya una akong bababa sa may Welcome Rotonda. Sya iiwan ko na sa FX. Sa awa ng Dyos, madalas tulog sa byahe to. Madalas nasa garahe na ng FX to nagigising. Sya din ang kasa-kasama namin sa mga Starbucks, eklat nuon.
- Joy Paris - ako, si Ate Agnes at Joy ang unofficial na pamilya sa HR. Si Ate Agnes, ay si Ina, ako, ate at si joy ay si bunso. Minsan may granny kame, sa katauhan ni Ma'am Lyke.
- Nini Conwi - tandang-tanda ko sya 1st day of reporting ko palang. Kasi sya yung nag-administer sa akin ng recruitment examinations. Over the years, parang ate ko na din sya. Kilala syang madaldal sa trabaho, malakas tumawa. Pero sa kin, okay lang yun, kasi yun na sya.
- Anna Marie Ngo (nee Abu) - eto, nakilala ko to, TA pa sya ni Boss Dauphine. Di ko na maalala ang 1st encounter namin which led us to become good friends (sisters na nga eh) over the years. Eto ang unang tao na dama ko ang friendship namin beyond the walls of GSIS. Lahat ng mga ka-boylet-an na minahal, iniyakan at tsinugi sa buhay namin, ay alam namin. Kay Anna ko nakita yung endless faith in "LOVE". Basta sya, go! go! go! sa love! Kahit na over the years, may differences kameng dinadaanan nito, carry lang! Pag matindi ang tampuhan, di lang kame mag uusap nyan, kahit abutin ng buwan, basta, no-talkies to each ang drama namin. Isang araw, maguusap na lang kame nyan basta, tapos okay na kame. Wala ng ekluver na discussion bakit kame nagkatampuhan. We just get over that, we learn from our mistakes then move on na naman kme together sa friendship namin. Di ko malimutan yung kaisa-isang attempt nya na i-blind date ako sa friend ng kanyang esposo, na hanggang ngayon eh di ko pa din ma-memorize ang name (nun pina-blind date, hindi yung esposo ni Anna). Sorry... hehehhe
- Alice P. Rivadelo - ang "Chang" ng bayan! Mabait na sya sa kin simula't simula pa. Unang encounter ko palang sa kanya, mabait na sya sa kin. Walang ere, tapos laging naka-smile. Madami na kameng pinag daanan nito sa PSPB, sya bilang KMG President, ako bilang member ng secretariat. Ilang iyak nya ang nakita ko nuon sa harap ng PGM, para lang to make her point across. Di sya yung tipong susugod na paaway. Sya, makikipag usap sya ng mahinahon, makikiusap. Pag di sya pakinggan nuon ng PGM, makikita ko na yan, umiiyak na. Sometime last July 2010, dun ko talaga naramdaman ang love sa akin ni Chang. Nuong naospital ang pamankin ko na sobrang laki ng gastos. Walang dalawang salita, tinulungan ako ni Chang na makalapit sa PCSO nuon, samantalang di naman nya kilala ang pamankin ko personally. Isa din sya sa mga un-official hingahan ko ng mga concerns ko sa work at personal na buhay ko. Sya din nakaka-alam kung sinung crush ko sa office.
- Jen Adams-Juan - eto ang unang taong nakilala ko na talagang ang motto sa buhay ay "care ko!". Tingin ko sa kanya nuon, eccentric kasi ang mga kapormahan... Pero maganda ang mukha nito, yun ang una kong napansin sa kanya. Pangalawa, yung dibdib nya.. hehehhehe! Tapos, pag nakausap mo sya, alam mong matalino pero walang angas. May sense kausap, may sense mag tanung. Ang kanyang husband, Peter Juan also became a good friend over the years. Silang mag asawa ang isa sa mga sumbungan ko pag broken hearted ako. I will never forget that trip to Pagsanjan and then Lucban, Quezon (ba?), because that was the time I was mourning the end of a relationship with someone from Canada. Na nung naiiyak na ako tlaga, si Pete and Jen ang mga yumakap sa akin nuon. Sabay tapos ng iyak ko, naghanap kame ng makakainan nang tuyo at sinangag! ahahhahah! mag trip naman daw tlaga!
- Ninette Bautista - itong babaitang to, nakilala ko thru Jen and Pete. Una kong nakasama to sa 2005 (or 2006) trip to Bora, which incidentally, was also my trip to the Paradise Island. Unang tingin, kala mo suplada tong si Net, kasi nga tisay eh. Pero after the 1st hour, nakita ko walang ere. Sige lang sya, picture picture. The 1st night in Bora, I remember her telling me about herself and the issues she's facing at the office na agad, na aaminin ko na ngaun, wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi nya, tango lang ako ng tango. Ahhahahhaha!!! Basta wento lang sya. Siguro kasi that time, kelangan na nya ng makikinig sa kanya. Eh ayun ako, available. Simula nuon, wala nang talikuran. Eto din ang isang kaibigan ko sa office na pag nagkatampuhan, alam na gagawin. Iwas muna. Walang usap usap, palamig muna. Pero expect mo si Net knows when to say sorry, tlagang ibibigay nya yun. Tsaka ito, mabait to. Sobra! Sa sobrang bait, minsan naabuso na sya, pero walang angal.
- Lai Villagracia, Caren Evangelista at Ayrees Pan - etong 3, di ko pinaghiwalay kasi, sabay-sabay silang dumating sa buhay ko. At yun ay nung mare-assign sila from EMD at HRDD to my department. Nuong una, pakiramdaman kame. Kasi mejo mas bata sila sa akin, in terms of service. Tapos meron silang friend nuon na may issue sa akin, so iwas sila sa akin. Natutuwa ako sobra sa tinakbo ng pagkaka-ibigan namin nitong 3, kasi eto tlaga yung friendship na nakita ko, naramdaman ko na nadedevelop. Sa kanila ko unang narinig yung salitang "hindi pala totoo yung lahat ng naririnig natin about Rose." Kasi sabi nga ni Lai, my reputation of being masungit and other nega-nega, precedes me talaga. It's because of these three that I adapted the principle na di baleng misnterpreted ako, o di maganda ang 1st impression, what's more important ay kung anu yung nakikita ng mga tao sa akin should they decide to go beyond the 1st impression they have of me. Thank you for this Lai, Ca and Mama Pan, for making me see what's more important, that image IS NOT everything!
- Migsy Evangelista - si Boi. Nakilala at naging malapit din sa akin dahil kila Carina. Masarap kasama to, kasi para lang syang bata. Pero may mga bagay na nangyari in between, na di ko man ginusto eh nangyari pa din. Kaya di na kme nag uusap tlaga.
- Eric Madrigal, Rosanne Andal and Emily Talamayan - eto, 3 din sila in a topic kasi sabay-sabay ko din sila nakilala thru Anna Ngo naman. Etong grupong to, unang sama ko palang, pinaramdam na nila na kahit may reservation sila (natural naman yun, kasi bago ka sa grupo), willing sila to get to know me, welcome sila na maging friend ko. Pag katapos ng 3 lakad, swak na! Si kuya Eric, sa kanya ko naaalala yung mga tropa kong lalaki nuon, na alaga nya ang mga friends nyang babae. Si Ate Rosan, nagugulat ako sa pagmamahal at pagmamalasakit na ipinakita nya sa akin in such a short time. Si Tita Emily, sa tinuran nya nung minsan na umalis kame kasi may problema ako, sa tiwalang binigay nya sa akin, nakakagulat. Sa buong buwan nitong Enero 2011, siguro kung wala itong grupo na ito, malamang nag-resign ako.
- Mumoy Dizon - eto! pinaka bago to! Kasi, relatively, new hire pa nman tlaga itong bruhang to. Pero grabe ang openness nya. Sa ikli ng panahon na nakakasama ko sya sa work or labas, kilala ko na ang HRH. Nakikita ko sa kanya ang sarili ko sa pamamaraan ng pagmamahal sa pamilya, sa kaibigan at boylets! ahahahhaha! Kahit na mainit ang ulo nito, asahan mong tatawa ka pa din pag kasama mo sya. Sa kanya ko din natutuhan to partly appreciate si Noel Cabangon! Ahhahahahah!
- Lurdes Laynes - eto, new hire din kung tutuusin. Pero parang nakakabatang kapatid na din ang tingin ko. Pag kelangan ng maku-kuentuhan ng mga bigat ng dibdib nya, nagsasabi sya sa kin ng walang pretension.
- Sa kaisa-isang taong crush ko sa GSIS - sa loob ng sampung taon ko sa GSIS, never akong naging attracted sa kahit sinung male employees dyan. Ikaw lang ang may distinction nuon. Kung anu man ang nakarating sa iyo, sana... sana... magkaron ako ng pagkakataon na makausap ka, makilala ko kung sinu ang tunay na ikaw at makilala mo ang tunay na ako, beyond the impression of me being a frowning face and sunget. :) At malamang, ikaw na din ang magiging huling crush ko sa GSIS! Oo ikaw na nga, pero wala kang confirmation na nakuha from me, pasensya na, di pa kasi ako nakukumpilan! (tog!) Try ko next Sunday pakumpil, baka sakaling ma-confirm ko na... Ahhahahahahhahaha!!!
