This afternoon at work, I was asked by someone how come it appears that I am not bothered with the on-going reorganization in our office. While it seems that almost everyone is voicing out their fears and yes, even anger as to how our Table of Organization is turning out, I have not been as vocal. This person even had the gall to insinuate that maybe, I knew already where I am going to be “placed” after this re-org, hence, my indifference. Sarap i-“toinks!” sa totoo lang. Nang-intriga pa eh.
I looked that person into the eye and all I said was: “Kasi, alam na ni Batman kung ano ang saloobin ko tungkol dyan. Nasabi ko na sa kanya. Matagal na. Kaya wala na akong sasabihin pa, kundi, Bahala na si Batman.” Then I walked away.
Ngayon, sino naman etong Batman na sinasabi ko? I was referring to God. Yes, HIM, no other else. Because in all honesty I have already prayed about this re-org several or even countless times. Alam na ng Papa God ano ang nasa puso at isipan ko about this. And I didn’t only pray for myself, I prayed also for people who matter to me, then and now (yes, may emphasis sa THEN, dahil may mga taong hindi ko na ikukulit pa ulet kay Batman, sorry).
Okay, forgive me, if this entry will sound “preachy” but I am talking about MY faith here.
Bihira sa buhay ko ang mga pagkakataon na ganito ka-buo ang faith ko. Baka sobra pa ang 10 fingers ko kung magbibilang ako ng mga ganitong pagkakataon sa buhay ko. Bakit ganuon kadalang? Kasi mahirap gawin yun, ang magtiwala ng buo at isa pa kasi tao lang ako, by nature, matigas ang ulo ko.
Pero pag dumarating ako sa ganitong pagkakataon, asahan mo na susunod ako ng walang angal, pagtatanung at pag-aalinlangan sa kung saan ko man matagpuan ang sarili ko, kasi sure ako, yun ang gusto ni Batman para sa akin. Para sa akin, yun ang tunay na pagtitiwala sa Kanya. Isumbong mo, iiyak mo, ikuento mo, sabihin mo na pati opinion mo tungkol sa bagay, pangyayari o tao na yun, pati na rin yung gusto mong mangyari “kung ikaw ang masusunod”. Pero kapag sinabi mong “Ikaw na po ang bahala”, wala ka nang karapatang umepal pa ng emote, kasi di ba, “Siya na nga ang bahala”? Eh bakit e-epal ka pa ng emote, ng talak, at kung anu-ano pa? Siya na nga bahala eh. Bakit papatayin mo pa sarili mo sa kaka-worry?
Hindi ko tini-trivialize ang nararamdamang pangamba at pag-a-alala ng mga kasama ko sa trabaho dahil dito sa reorg na ito. Alam ko yung worry na dinadanas nila kasi may mga anak na pinag-aaral; may asawang sinusuportahan; may kapatid o pamankin na pinapa-aral o tinutulungan; may magulang na tinutulungan or pinapagamot. Given yun eh. Kasi lahat naman nagta-trabaho para sa pamilya at siyempre, sa sarili na rin. Ako, dalaga ako, ikanga ng mga kasamahan kong pamilyado, “solong-katawan” ako. Pero, hindi ibig sabihin nuon ay wala akong nanay, kapatid o pamankin na pwedeng magkasakit o mangailangan, o ako mismo, may pangangailangan, kasi ako na bumubuhay sa sarili ko. Sabi ko nga, lahat naman tayo may dinadamayan, may pangangailangan.
At kasama yan sa sinabi ko kay Batman na Siya na ang bahala. Kung talagang hindi ako meant to fulfil the required number of service years para makapag-retire ako, and that I really have to leave my present company eventually as a result of this reorg, then I have no choice. I believe that Batman has something in store for me somewhere else. Kung tatanungin nyo ako ngayon,”eh ano naman ang ginagawa mong preparation if ever?” sasagutin kita ng buong katotohanang, “WALA”. Hindi ako nag-a-update ng resume, I’m not even looking at online job search sites (kahit pa may regular email alerts ako from these sites, hindi ko binubuksan), I’m not even calling up my former bosses just to see “what’s out there”, I’m not even networking. Foolhardy yes, but then again, why would I do such things at this point? May trabaho pa naman ako. Oo, siguro the wise thing to do is to have a back-up plan “just in case”, sa hirap ba naman ng trabaho ngayon. Pero kung dumating man ang panahon na yun, yung time na wala akong work, I will take it as a time to rest given to me by Batman.
Nope, hindi ganuon ka-dami ang savings ko. In fact, wala akong savings na masasabing of decent amount. Wala din akong investments or business that I can fall back on. Ang tanging fall back ko? SI BATMAN. Siya lang. Bakit, mas may titibay pa ba sa fall back ko?
Kaya ayan ang rason kung bakit hindi ako masyadong kumikibo tungkol dyan sa reorg na yan. Ayoko nang ma-stress. I just wanna be happy and learn new things. If I get to stay, then thank you, because I still want to. And at the very least, hindi ako na-stress; at most, hindi nasayang ang oras kong malungkot, magalit, um-emote nang para lang pala sa wala. If I don’t get to stay, I still get the same benefits because of my faith; hindi ako na-stress, nalungkot, nagalit eh matatanggal din naman pala ako.
If anything, these days sa office, I use each day that I still get to go to work at this office and still be with these people whom I have been working with for the last 10 years of my life, to be happy WITH THEM; to have a better relationship with them. Yung sinasabi na “live each day like it’s your last”? On a smaller scale, ganuon ang attitude ko now when I go to work.
Basta tandaan, si BATMAN lang ang fallback ko, at alam ko na wala nang mas titibay pa dun!