Ang tsismis ata ay talagang kakambal na ng buhay or to be specific, buhay opisina. Minsan, di ko alam kung matatawa o maiinis ako sa mga taong nasasangkot sa tsismis tapos ang reaction nila galit sila, kasi natsi-tsismis sila.
May isang tao sa opisina na simula ata ng makilala ko sya, eh lagi na lang syang natsi-tsismis sa kung sinu-sinong lalaki sa office. Nakakapag-taka considering na 10 years na ako sa kasalukuyang office ko, pero hanggang ngayon, yung mga stories about this particular person ay hindi nawawala. Hindi ko alam kung matatawag na lang bang "stigma" sa kanya yung mga kwento na yun. Pero promise, talagang hindi mawala-wala.
Ang nakakatawa dito, di mi-minsan na sinabi nyang "nakakainis kasi di mawala yung mga kwento tungkol sa kanya." Dito ako napa-isip na talaga. Oo nga, bakit nga ba hindi nawawala?
Na-realize ko lang na ang tsismis na hindi mawala-wala ay dahil na din sa mga bagay-bagay. Una, maari kasi totoo naman talaga kasi yung kwento. Na kahit anung deny ng tao mismo, eh hindi mamatay yung story kasi may ibang nakakakita na salungat sa sinasabi nung tao mismo, halimbawa: nakikita sila ng ibang tao sa labas ng opisina; o di kaya, nakikita sa mga kilos nila pag nasa loob ng opisina, yung mga ganung bagay. Pangalawa: yung mismong tao ay di gumagawa ng paraan para mamatay yung story. Either, continously lang syang nanahimik dahil ayaw nyang patulan talaga or kasi gusto din nya talagang napapag-usapan sya.
Sa personal kong pananaw at experience, ang mga mabisang pang iwas na maging subject ng tsismis ay ang mga sumusunod:
A. If I am the subject of a gossip and people asks me about it, sinasagot ko ang mga tanong nila about it ng walang halong pagsisinungaling. If what other people know is some kind of distorted truth, I set them straight. Nagpapaliwanag ako hangga't kaya ko. But I don't do this to every Peter, Paul and John that I pass along the hallways (or street). Only to those people who really matters to and cares forme. Bakit? Kasi kung ang totoo at tamang kwento ay ibibigay ko sa mga taong tunay na nagmamalasakit sa akin, pag sila na ang natanung ng ibang tao tungkol sa tsismis na yun, natural lamang na they'd tell the truth as I had shared it with them, kasi they care enough about me na malinis ang pangalan ko. Sabi nga di ba, truth shall always set you free.
Additionally, sa ganitong situations I take action din. One time na-tsismis ako sa isang lalaking may - asawa na just because I was friends with the guy. Umiwas ako. Hindi drastic, kinausap ko naman ng maayos yung tao. Sadly, it ended a friendship, pero dapat kasi alam ko din bilang isang babae, kung ano ang mas matimbang sa akin, ano ang mas importante.
B. Pag ako nakakarinig ng tsismis about other people, well depende yun. Kung yung taong natsitsismis ay kapamilya or kaibigan ko, or kung yung kwento is may significance sa pagkatao ko, then I go directly dun sa taong subject ng tsismis and ask him / her about it. Pero kung di naman importante sa akin ang taong involve or the story itself does not have any bearing sa buhay ko, keribels lang! Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.
Kaya madalas, sa sarili kong experience, yung sinasabing pananahimik at hayaan na lang na mamatay ang story, hindi yun effective. Kahit yung makipag sabayan ka ng asar. Yung pag may lumapit sa iyo tapos sasabihin, may tsismis about you? Tapos ang magiging reaction mo, sasabayan mo ng pang-aasar? Well for a while, it will work, pero at the end of the day, ang interpretation pa din ng mga tao, na-aasar ka kasi guilty ka. Bakit? Kasi ganun naman ang tao. Hangga't walang concrete na nakikita, nadidinig or natatanggap na sagot, they will still choose to believe what they want to believe unless they see or hear otherwise.
Ang pananahimik din kasi minsan ay taken as kaya ayaw mong magsalita kasi what for? Eh totoo naman yung story. Ever heard of that line na silence means yes? Yun yun!
Kaya yung taong tinutukoy ko na for the longest time eh natsi-tsismis sa kung sinu-sinong lalake sa office? Napapa isip na tuloy ako. Ahahahahahah!!!
Paalala lang. Para kasi di ma-tsismis, wag gagawa ng mga bagay bagay na nakakatawag pansin. Halimbawa: wag dikit ng dikit sa lalaking may-asawa. Wag pumapasok sa opisina na ang suot na damit eh parang pang night shift sa Quezon Avenue. Wag nagpapakita ng motibo sa lalaki o umiistambay sa opisina ng may opisina. Kung babae ka na single, wag manliligaw ng lalaki kesehodang binata pa, nakakawala ng respeto yan. Kung may-asawa ka naman na babae, wag kang babarkada sa isang lalake na may asawa din at vice versa. Wag parang boyoyong sa office. Wag naglalagi sa parking lot or nakatambay sa kotse na kasama ang isang member of opposite sex, kahit na wala kayong ginagawang milagro sa loob ng kotse, iba pa din ang dating nito. In short, wag epal kung ayaw na mapag usapan. Maging simple lang. After all, nasa office para magtraabaho at hindi magpa-star. Kung talagang magaling kang empleyado, magaling kasi alam ang trabaho at may utak at hindi dahil sa iba pang "talent", mapapansin at mapapansin ka talaga, mapo-promote ka pramis! Di mo kailangan kumonek sa kung sinu-sinong boy/s o gumawa ng spectacular show! :)